Regional News
🚨 BFAR IX: Babala sa Pagkain ng ‘Devil Crab’ 🦀 “Kasag” matapos ang insidente ng Pagkalason ☠️
ZAMBOANGA DEL NORTE – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office IX laban sa pagkain ng ‘Devil Crab’ matapos ang isang insidente ng pagkalason, na nagresulta sa pagkamatay ng isang individual sa Liloy, Zamboanga Del Norte at pagka-ospital ng ilang miyembro ng pamilya.
Kinilala ng bureau ang species ng alimango na Devil Reef Crab (Zosimus aeneus) at ang Floral Egg Crab (Atergatis floridus), na parehong nagtataglay ng mataas na konsentrasyon ng neurotoxins na Tetrodotoxin (TTX) at Saxitoxin (STX).
Ang mga sintomas ng Paralytic Shellfish Toxin Poisoning ay ang pangangati sa mga labi at bibig, pamamanhid ng mga extremity, pagkahilo, pagsusuka, at paralisis. Ang mga sintomas na ito ay makikita sa loob lamang ng 30 minuto pagkatapos makakain ng may toxin-contaminated na seafood.
Naglabas ang bureau ng babala na kahit na lutuin ito ng matagal ay hindi matatanggal or maaalis ang mga toxin na ito.
Pinapayuhan nila ang publiko na huwag manghuli at kumain ng ganitong mga uri ng alimango at bumili lamang ng isda at iba pang produktong seafoods mula sa lehitimong mga pinagkukunan.