Regional News
112 centenarians sa Western Visayas nakatanggap ng tig-P100K na cash gifts
NAKATANGGAP ng tig-P100K na cash gifts ang nasa 112 na centenarian sa buong Western Visayas.
Mula sa nasabing bilang, lima dito ang mula sa Aklan; 12 sa Antique; tatlo sa Capiz; 11 sa Iloilo City; 49 sa Iloilo Province at lima mula sa Negros Occidental.
Ang nasabing cash gift ay mula sa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VI.
Ito ay bahagi ng ipinapatupad ng DSWD sa ilalim ng Republic Act no. 10868 o ang Centenarians Act of 2016 na nagbibigay ng pagkilala sa mga Filipino nan aka-abot sa edad na 100 years old.
Sa kabuuang, nakapag-release ang DSWD ng P11.2 milyon na cash gift sa mga centenarian sa rehiyon.
Continue Reading