Connect with us

Regional News

2 miyembro ng rebeldeng NPA, patay sa engkwentro sa Cauayan, Negros Occidental

Published

on

Photo Courtesy: PCADG Western Visayas

NASAWI ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila at mga tropa ng 15th Infantry Battalion (IB) sa Sitio Cambaga, Brgy. Yao-yao, Cauayan, Negros Occidental nitong Martes.

Ayon sa ulat, naganap ang engkwentro bandang alas- 8:15 ng gabi habang nagpapatupad ng operasyong pangseguridad ang tropa ng mga military sa liblib na lugar ng Barangay Yao-Yao.

Ito ay matapos makatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente hinggil sa presensiya umano ng mga armadong kalalakihan sa nasabing lugar.

Tumagal ng halos sampung minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga NPA at military.

Dahil dito, dalawa ang naitalang namatay mula sa miyembro ng rebeldeng New People’s Army sa ilalim ng Southwest Front Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (SWF, KR NCBS).

Samantala, narekober naman sa pinangyraihan ng engkwentro ang ilang mga armas kabilang na dito ang isang Baby M16 na may tatlong magazines, isang M14 na may kasamang magazine, isang cal.45 at magazine, isang Anti-Personnel Mine na may blasting cap, dalawang backpack na naglalaman ng mga medikal na kagamitan at iba’t-ibang mga dokumento.

Kaugnay nito, agad na nakipagtulungan ang mga tauhan ng Cauayan Municipal Police Station sa SOCO Team upang magsagawa ng imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng mga nasawi.