Connect with us

Regional News

28 PERSONNEL NG BFP-VI, NI-RELIEVE DAHIL SA PAGLABAG SA QUARANTINE PROTOCOLS NANG PUMUNTA SA BORACAY

Published

on

Kinumpirma ni DILG Sec. Eduardo Año ang pag relieve sa 28 personnel ng Bureau of Fire Protection Region 6 dahil sa paglabag sa quarantine protocols ng pumunta sila sa Boracay para sa “despidida” party, kasama ang babaeng fire officer na nagpositibo sa COVID 19.

Ayon kay Sec. Ano na inirelieve lamang sila sa kanilang kasalukiyang posisyon at inilagay sa floating status habang isinasailalim sa imbestigasyon.

Una ng naibalita noong Myerkules, Hunyo 17 ang pag relieve kay BFP 6 Regional dir. FSSupt. Roderick Aguto.

Kinumpirma rin ni Año na pupunta ng Iloilo si Fire Chief Supt. Roel Jeremy Diaz para pangunahan ang imbestigasyon at ma determina ang pananagutan ng bawat isa na sumama sa Boracay.

Sa pagkakaalam ng kalihim, dumating sa Iloilo galing Cebu ang babaeng fire officer noong Hunyo 5 at isinailalim sa RT PCR test kinabukasan.

Pahayag ni Sec. Año na hindi nito inantay na matapos ang kanyang quarantine o di kaya ay hintayin ang resulta ng PCR test at nilabag nito ang quarantine period na tinolerate naman ng kanyang senior officer.

Hunyo 12 ng pumunta ng Boracay ang grupo kasama ang nasabing fire officer at Hunyo 14 nalaman ang resulta ng RT PCR test nito na positibo siya sa CVID 19.