Regional News
3 pang alkalde sa Visayas nagpa-vaccine kontra COVID-19 kahit wala sa priority list
Tatlo pang alkalde sa Visayas na hindi kasama sa listahan ng prayoridad na makatanggap ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ang nagpabakuna.
Ang mga ito ay mga alkalde ng Bohol na sina Mayor Victoriano Torres ng Alicia, Mayor Virgilio Mendez ng San Miguel, at Mayor Arturo Piollo II ng Lila.
Inanunsyo ito sa pamamagitan ng social media pages ng LGU.
“Got my 1st dose of COVID-19 vaccine together with my friends barangay captains of Barangay Cabatang, Progreso, Cayacay, Untaga, and Napo,” batay sa Facebook post ni Torres.
Habang nag-upload naman ng video si Mendez na may caption na “I am a municipal mayor, a senior citizen, and I believe in vaccination.”
Habang si Piollo ay nagpabakuna ng Sinovac vaccine ayon sa The Bohol Chronicle.
Una nang napabalitang nagpabakuna sina Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City at Mayor Elanito Peña ng Minglanilla sa Cebu.
Depensa ng mga ito na ito ay upang palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa COVID-19 vaccine at anila ay mga frontliner din sila bilang alkalde.
Una nang iginiit ng DOH na dapat unang mabakunahan ang mga medical frontliner.
Anila makokompromiso ang pagbabakuna sa bansa kung hindi susundin ang priority list
Article: REMATE
Continue Reading