Regional News
3 PANIBAGONG DAGDAG NA KASO NG #COVID19 NAITALA SA WESTERN VISAYAS
Nakapagtala ng tatlong panibagong kaso ang Department of Health (DOH) Region 6 ng coronavirus disease o COVID-19 dito sa Western Visayas ngayong araw Abril 24. Sa kabuuan umabot na sa 58 ang kabuuang kaso sa rehiyon.
Sa 192 na laboratory test na inilabas ng Western Visayas Medical Center Sub-national Laboratory, tatlo rito ang positibo, dalawa ang repeat positive, 182 naman ang nagnegatibo at lima ang repeat negative.
Ang mga panibagong kaso ay isang 38 anyos na lalaki na taga-Silay, Negros Occidental; isang 50-anyos na lalaki na taga-Candoni, Negros Occidental; at isang 33-anyos na babae na taga-Lambunao, Iloilo.
Sa kabilang banda, ibinalita rin ng DOH6 ang tatlong nakarekober na sa sakit na ito. Dalawa rito ang taga-Kalibo, Aklan – isang 66-anyos na babae at isang 40-anyos na lalaki. Ang isa pa ay taga-Jaro, Iloilo na isang 44-anyos na lalaki.
Pinakamarami sa natamaan ng virus ay taga-lalawigan ng Iloilo na mayroon nang 19, sinundan ng Antique na may siyam, walo sa Bacolod City, pito sa Iloilo City, anim – Aklan, lima – Capiz, apat – Negros Occidental, habang zero ang Guimaras.
Sa kabuuan, sa 58 na kaso, 14 na ang nakarekober habang walo ang nasawi.