Connect with us

Negros News

35 INNER AT BORDER CHECKPOINTS SA BACOLOD BALIK NGAYONG SEPTEMBER 3

Published

on

A checkpoint sign bearing the name of the team leader informs motorists of what lies ahead. | Photo by Banjo C. Hinolan via dnx.news

Bacolod — Nakatakdang ibalik ang 35 inner at border checkpoints sa syudad ng Bacolod simula bukas, araw ng Huwebes, Septyembre 3, 2020.

Ito ay matapos na muling isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Bacolod simula kahapon, Septyembre 1 hanggang Septyembre 15, 2020.

Ipapatupad sa syudad ang 28 inner borders at 7 naman ang para sa outer borders, ayon kay Lt. Col Ariel Pico, spokesperson ng Bacolod City Police Office.

Ito umano ay para masiguro at masunod ang mandatong nakasaad sa pinalabas sa Executive Order No. 57 at Executive Order No. 58 ni Bacolod Mayor Bing Leonardia.

TO: OUT-OF-TOWNERS ENTERING OR EXITING BACOLOD CITY

LOOK: Executive Order No. 58 ni Mayor Evelio Leonardia sa syudad ng Bacolod

Ayon pa kay Pico, magtatalaga siya ng tatlong shifting personnel upang magbantay sa mga checkpoints kung saan tatagal ang operasyon hanggang 24 oras.

Dagdag pa nito, patuloy pa rin na pinaalalahanan ng mga kapulisan ang “No Touch Policy”, pagsuot ng face masks, face shield at pagsunod sa social distancing para maiwasan ang dumaragdag na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa syudad.

Continue Reading