Connect with us

Regional News

3ID Commander MGen. Marion R. Sison, binisita ang mga units sa Negros

Published

on

Binisita ni Major General Marion R. Sison, 3rd Infantry (Spearhead) Division Commander ang ilang mga units sa  Negros Island nitong October 9 -10, 2024 .

Layunin nito na maipakita ang kaniyang presensya at suporta sa pakikipaglaban ng mga kapwa sundalo laban sa mga Communist Terrorist Group o CTG.

Nagsagawa rin Ang opisyal ng inspeksyon sa lahat ng mga headquarters sa iba’t-ibang bayan sa naturang lugar gaya ng 94th Infantry (Mandirigma) Battalion sa Ayungon, Negros Oriental; 62nd Infantry (Unifier) Battalion sa  Isabela, Negros Occidental; 79th Infantry (Masaligan) Battalion sa Sagay City; 303rd Infantry (Brown Eagle) Brigade naman sa  Murcia; 47th Infantry sa Mabinay; at 15th Infantry (Molave) Battalion na nasa Cauayan, Negros Occidental.

Pinaalalahan naman.ni MGen. Sison ang mga sundalo na huwag makikisali sa mga sugal at iba pang mga hindi kaaya-ayang gawain.

Aniya, “We must not destroy this trust. We should not be remiss in our duties to protect the people. As such, I urge you to maintain this high standard of discipline at all times. No soldier shall engage in any form of gambling and bad vices. We will not tolerate any misbehavior in this regard.  As we protect the nation, I trust that you also protect and provide well your respective families,”

Kaugnay nito, binigyan rin ng parangal ni MGen. Sison ang mga sundalong nagpakita ng kanilang katapangan sa kasagsagan ng labanan at sa iba pang gawaing administratibo.

Samantala, binigyang-diin naman nito ang hangarin at misyong mawakasan na ang insurhensiya sa buong  Western Visayas bago pa man matapos ang  taon.

“We must not rest on our laurels. We shall not relax. Instead, we shall incessantly conduct Focused Military Operations (FMO) and counter-CTG Urban Operations to attain our goal of ending insurgency by the end of the year.”

Continue Reading