Connect with us

Regional News

4 na anti-narcotics cops kasama si Chief, Timbog sa Pangingikil

Published

on

MANILA – Binitbit ng sariling mga kabaro ang hepe ng pulisya sa Zamboanga City at apat pang pulis ukol sa pangingikil na konektado sa droga, ayon sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), Martes, Marso 23.

Base sa modus ng mga nahuling pulis, ayon kay Col. Tomas Frias Jr., director ng IMEG, na kinokontak umano nila ang ilang mga indibidwal sa kanilang nasasakupan at sinasabihang nasa listahan sila ng drug watch ng presinto.

Matapos nito ay magde-demand ang grupo ng malaking halaga ng pero kapalit ng pagkalos ng kanilang pangalan sa listahan.

Kinilala niFrias ang mga naaresto na sina Police Maj. Orlyn Leyte, officer-in-charge sa Station 9 ng Zamboanga City Police; at mga tauhan na sina Police Staff Sgts. Hegenio Salvador at Asser Abdulkadim; Police Corporals Ismael Sasapan at Juman Arabani na pawang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit.

“They were first placed under surveillance after an owner of a small business sought our help in apprehending the accused. It turned out that the suspects contacted the complainant and informed her that her name was included in the list of drug personalities being targeted for neutralization,” ani Frias.

Ikinasa ang entrapment, Lunes sa mismong police station, habang hindi na nakalabas sa pulisya at direcho kulungan na ang mga naaresto matapos na tanggapin ang marked money.

Sasampalan ng kasong robbery extortion at hiwalay na kasong administratibo ang mga nahuli.

Article: REMATE

Continue Reading