Connect with us

Regional News

424 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA SA WESTERN VISAYAS, TOTAL CASES SA REHIYON SUMIPA NA SA 69,832

Published

on

covid19 western visayas

SUMIPA na sa 69,832 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Western Visayas matapos makapagtala ng 424 bagong COVID-19 cases kahapon, Martes, Hulyo 6, 2021.

Sa nasabing tala, nangunguna ang Negros Occidental na may 103 cases, Iloilo City – 99, Aklan – 66, Capiz – 44, Bacolod City – 39, Probinsya ng Iloilo – 37, Antique – 20 at 16 naman sa Guimaras.

Samantala, nakapagtala ng 944 bagong recoveries kahapon at walo ang nasawi.

Aabot naman sa 10,578 ang kabuuang active cases sa rehiyon, 57,635 ang nakarecover at 1,598 ang nasawi dahil sa sakit.