Connect with us

Regional News

5-ANYOS NA PUI SA ALBAY HOSPITAL, BINAWIAN NG BUHAY

Published

on

Binawian ng buhay ang isang 5 taong gulang na PUI o Patient Under Investigation sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) nitong Sabado ng umaga sa Albay.

Sinabi ni Provincial Health Officer Antonio Ludovice na mula ang bata sa Daraga at naospital sa BRTTH dahil hirap huminga at may sintomas ng flu.

“She was brought to BRTTH for difficulty of breathing and serious symptoms but died in less than 24 hours at the hospital,” ani Ludovice.

Nakuhaan ang pasyente ng throat swab test bago ito namatay dagdag pa ni Ludovice.

Una na umanong nagpakonsulta sa Philippine Heart Center sa Manila ang bata noong March 6-8. Nakatakda na rin itong sumailalim sa operasyon dahil sa congenital heart disease.

Sunod itong nagpakonsulta sa BRTTH noong March 13 dahil sa ubo kung saan niresitahan ito ng antibiotics at pinauwi.

Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Victor Perete na magsasagawa sila ng contact tracing habang ang pamilya ng pasyente ay sumasailalim na sa home quarantine.