Antique News
607 pamilya na naapektuhan ng oil spill sa Caluya, Antique nakatanggap ng tulong-pinansiyal mula sa DSWD
Nakatanggap ng tulong-pinansiyal ang 607 na pamilya na naapektuhan ng oil spill sa Caluya, Antique.
Ang nasabing financial assistance ay ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Isinagawa ang distribusyon nitong Agosto 15 hanggang 16 ng taong kasalukuyan.
Ang mga benepisaryo ay mga pamilya mula sa mga barangay ng Semirara, Tinogboc, Alegria, at Sibolo na naapektuhan ang pamumuhay dahil sa oil spill dulot ng lumubog na MT Princess sa Oriental Mindoro noong Marso.
Gagamitin ang naturang tulong pinansiyal bilang Seed Capital Fund sa alternatibong income generating activities o dagdag na kapital sa kanilang negosyo.
Napag-alaman na ang nasabing livelihood assistance ay nagkakahalaga ng P7.4 million.