Connect with us

Regional News

ALKALDE NG CALUYA ANTIQUE, TINIYAK NA SAPAT ANG FOOD SUPPLY SA GITNA NG TEMPORARY LOCKDOWN

Published

on

Ipinasiguro ni Mayor Rigil Kent Lim ng Caluya, Antique sa kanyang mga nasasakupan na may sapat silang suplay ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa gitna ng temporary lockdown kasunod ng pagkaroon ng kumpirmadong kaso ng COVID 19 sa kanilang bayan.

Ayon sa alkalde kasalukuyan na ring pinamimigay ang second wave ng kanilang relief goods distribution na may 25 kilo ng bigas at iba’t-ibang gulay.

Pinasalamatan din ng alkalde ang ipinadalang mga gulay at sako-sakong bigas ng Antique provincial government.

Nauna ng ipinahayag ni Mayor Lim na ginagawa nila ang lahat para mabigay ang pangangailangan ng kanilang residente na apektado ng COVID 19.

Nananawagan din siya sa mga Caluhaynons na sumunod sa mga alintuntunin o protocols na nakasaad sa kanyang mga executive orders.

Noong nakaraang linggo, 3 bagong kumpirmadong kaso ng COVID 19 ang naitala sa Caluya na may kabuuang 4 na sa ngayon.

Naka isolate na umano ang mga ito at nasa estableng kundisyon.