Connect with us

Capiz News

Apartment sa Roxas City, nilooban; Laptop at cellphone, natangay

Published

on

Natangay ng isang kawatan ang laptop at cellphone matapos nitong looban ang isang apartment sa Barangay IX, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si alyas Joy, 22-anyos at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar habang ang kawatan ay kinilala namang si alyas Nani na residente rin ng lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Roxas Pnp, nakasalubong pa umano ng naturang biktima ang suspek na may dalang laptop na kapareho sa pagmamay-ari nito.

Pag-aakala ni Joy ay baka magkapareho lang sila ngunit nang dumating ito sa kaniyang apartment ay wala na ang laptop nito pati na rin ang kaniyang cellphone at iba pang kagamitan.

Agad nitong inereport ang nangyari sa mga kapulisan ngunit nagtago na umano ang suspek.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa naturang kawatan.