Connect with us

Regional News

Asawa ng unang nagpositibo sa COVID-19 sa Iloilo, naka confine din sa Ospital

Published

on

Kamakailan lamang ay may nag-positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Iloilo, at siyang naitala bilang kauna-unahang biktima ng COVID-19 sa buong lalawigan. Napag-alaman din na ang asawa ng nasabing pasyente ay kasalukuyang naka-confine sa The Medical City (TMC).

Kinumpirma ng head ng Infectious Disease Unit ng Department of Health (DOH-6) na si Dr. Jane Juanico na isinugod sa ospital, ang misis ng pasyente Biyernes ng gabi, Marso 20, 2020.

Ayon kay Dr. Juanico, “Compared sa iya husband, mas stable ang iya condition.”

Sa isang press conference nitong Sabado ng Marso 21, ibinahagi ni DOH-6 Director Marlyn Convocar na “unstable” ang lagay ng pasyente na kauna-unahang nag-positibo sa COVID-19 dahil ito ay mayroon ng pre-existing medical conditions.

Saad pa ni Juanico, “swabs were already taken from the wife and will be sent to the Research Institute for Tropical Medicine (RITM) in Manila for testing.”

Continue Reading