Connect with us

Regional News

BACOLOD, PUMAPANGALAWA SA MAY PINAKAMARAMING KASO NG COVID-19 SA REGION 6

Published

on

Tumaas sa 34 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Western Visayas.

Ayon sa Western Visayas DOH COVID-19 case Bulletin No. 11, apat ang bagong kaso sa rehiyon kasama na ang 84 anyos na lalaki sa Miag-ao, Iloilo, 40 anyos na lalaki sa Kalibo, Aklan, 25 anyos na lalaki sa Roxas City, Capiz at 59 anyos na lalaki mula sa Mandurriao, Iloilo City.

Sa record ng DOH ang probinsya ng Iloilo ang may pinakamaraming positibo sa COVID-19 na may 12, sunod ang Bacolod na may 7, Aklan na may 6, Capiz at Iloilo may tig-apat at Negros Occidental na may 1.

Sa Record ng DOH, nasa 234 na mga Patients Under Investigation (PUIs) sa Region 6 ang nag negatibo sa virus, samantalang 107 na mga PUIs ang nadischarge na. Samantala, 119 ang naka-admit parin sa Hospital.

Source: Aksyon Radyo-Bacolod