Connect with us

Cebu News

Bagong silang na sanggol sa Cebu City, positibo sa COVID-19

Published

on

Image Souce| tribune.net.ph

Kabilang ang isang bagong silang na sanggol sa pitong bagong kaso ng COVID-19 sa Cebu City ayon sa Department of Health (DOH) Central Visayas ngayong Martes.

Sinabi ng DOH na ang ina ng bata ay nagpakita ng sintomas ng COVID-19 habang nanganganak ngunit lumabas na negatibo sa sakit.

Iniimbestigahan pa ng DOH kung paano na-infect ang bata kasabay ng pagkumbinsi sa mga buntis na magsagawa ng precautionary measures sa para maiwasan ang virus.

Kasalukuyan pang nagpapagaling ang bata sa ospital.

Kaugnay nito, sinabi ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na 2 sa pitong bagong kasong naitala sa lugar ay mga inmates ng city jail.

May 203 kaso ng COVID-19 sa Central Visayas kung saan 173 dito ay mula sa Cebu City na siyang nangunguna sa listahan.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/04/21/20/newborn-baby-in-cebu-city-tests-positive-for-covid-19