Connect with us

Capiz News

Bahay sa Roxas City, naabo sa sunog; P50K iniwang halaga ng danyos

Published

on

Photo Credit: BFP R6 Roxas City FS

Wala nang natira sa isang bahay sa Purok 3, Brgy. Libas, Roxas City matapos itong masunog nitong umaga ng Biyernes.

Pagmamay-ari ang naturang bahay ni Nestor Blancaflor, 62-anyos.

Ayon sa Roxas City Bfp, mabilis na natupok ang nasabing bahay dahil gawa lamang ito sa light materials.

Dahil totally burned at walang naisalba na kahit anong gamit ang may-ari, umabot  sa P50K ang iniwang halaga ng danyos sa nangyaring sunog.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang pinagmulan ng apoy kaya’t patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil dito.