Regional News
Barkong may kargang industrial fuel oil lumubog sa Tablas Strait malapit sa Oriental Mindoro
Isang barkong may kargang Industrial Fuel Oil (IFO) ang lumubog sa bahagi ng Balingawan Point sa Tablas Strait malapit sa Naujan, Oriental Mindoro at isla ng Marinduque.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Ram Joseph Temeña ng PDRRMO Orriental Mindoro, may karga ang MT PRINCESS EMPRESS na 800,000 liters na industrial fuel oil.
Mula umano ito sa Bataan at patungong Iloilo sakay ang 20 crew nito.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard, nag-overheat umano ang makina ng nasabing barko dahilan ng engine trouble.
Dahil dito ay inanod ito sa katubigang bahagi ng Balingawan Point hanggang sa lumubog ito dahil sa malakas na alon at sama ng panahon.
Samantala, matagumpay namang na-rescue ng MV EFES, isang foreign vessel ang mga sakay nitong tripulante at nasa mabuti nang kalagayan.