Connect with us

Capiz News

Boarding house, tiangge at auto-supply shop, nasunog sa Roxas City

Published

on

Nilamon ng apoy ang isang boarding house, tiangge at auto-supply shop  sa Kilometer 1, Brgy.10, Roxas City dakong alas-4:00 kaninang madaling-araw, July 9.

Napag-alaman na nakaramdam ng init ang ilang boarders habang natutulog sa loob ng kanilang boarding house  at nang tignan sa labas ay malaki na umano ang apoy kaya’t dali-daling lumabas ang mga ito na ang iba ay tumalon pa sa bintana para makaligtas.

Batay naman sa imbestigasyon ng BFP-Roxas City, naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa lamang sa light materials ang boarding house, tiangge at auto-supply shop na nasunog.

Walang kahit anong naisalba ang mga boarders gayundin ang may-ari ng tianngge at shop.

Samantala, kasama ng Roxas City Bureau of Fire Protection na nagresponde sa lugar ang mga miyembro ng CACAG at FEROCITY para sa pag-apula ng apoy.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP para  matukoy ang pinagmulan ng apoy.