Connect with us

Regional News

CEBU GOV. GARCIA, HINDI MAGPAPATUPAD NG ‘NO VAXX, NO RIDE POLICY’: “THAT IS ANTI-POOR, WE WILL NOT DISCRIMINATE”

Published

on

Photo: PNA

Inanunsyo ni Gov. Gwen Garcia na hindi siya magpapatupad ng “no vaccine, no ride” policy sa mga pampublikong transportasyon sa Cebu.

“That is anti-poor. How can you require everyone to present their vaccination card for them to avail of public transport? As I have always said, vaccination is a matter of choice. Give that respect to the individual,” giit ni Garcia.

“If you choose not to be vaccinated, you should not be ostracized. Why? It’s in the law itself,” dagdag pa nito.

Aniya pa, hindi sila magdi- discriminate sa mga hindi bakunadong residente sa probinsya ng Cebu.

“Why this discrimination against the vaccinated, when even the vaccinated are not considered immune and may be carriers as well? In the province of Cebu, we will not discriminate,” saad pa ng gobernadora.

Sa halip ng nasabing polisiya, inutusan ng opisyal ang kapulisan na magsagawa ng border checkpoints upang matiyak na walang overloading sa mga pampublikong sasakyan at masigurong sinusunod ang health protocols at air purifier requirement para sa mga driver.

Sa ngayon, 39 percent ang nabakunahan sa eligible population ng mahigit 2.2 million adults sa Cebu. — DK, RT

Via: ABS-CBN News

Continue Reading