Regional News
Central Visayas kinakailangan pa ng mga nurses at doctors sa rehiyon -DOH
Ang Department of Health (DOH) 7 ay nag deploy na ng daang-daang mga nurses sa mga private hospitals at sa mga isolation centers sa Cebu para madagdagan ang work force, habang ang mga health authorities ay patuloy paring nilalabanan ang pagtaas ng coronavirus cases.
Ito ay base sa executive order na ipinalabas ni Gov. Gwendolyn Garcia, Miyerkules ng Agusto 3 na nagsaad ng pag-regulate sa pagbenta ng medical oxygen sa probinsya ng Cebu.
Sa kaniyang Executive Order (EO) 26, Series of 2021, ayon sa gobernador, kinakailangan i-regulate ang pagbenta ng mga medical oxygen, sapagkat ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Cebu ay nag-udyok sa mga tao na bumili ng sarili nilang mga oxygen supply galing sa mga suppliers.
Samantala, ayon kay DOH 7 Director Jaime Bernadas, base sa kanilang pinakabagong data, may kabuuang 96 nurses na ang na i-deploy sa mga private hospitals at emergency operation centers sa Cebu.
Ngunit kinakailangan ng DOH 7 ang hindi bababa sa 400 registered nurses para tumulong sa pag-expand ng Covid response ng rehiyon.
Ayon kay Bernadas, humingi sila ng tulong DOH Central office para mag deploy pa ng mga medical personnnel sa kanilang rehiyon.
Sa Cebu City, binisita naman ni acting Mayor Michael Rama at iba pang City Hall officials ang tatlong private hospitals matapos ang mga social media reports na nagsasabi na puno na ng Covid cases ang mga ospital.
Napag-alaman ni Rama na may sapat na mga higaan para sa Covid patients ang mga ospital, ngunit mayroong shortage ng medical personnel para paglingkuran ang mga pasyente.
Ipinatawag naman ni Rama ang lahat ng mga doctor at nurses na mag apply sa mga private hospitals at sa Cebu City Medical Center (CCMC) na sa ngayon ay tumatanggap ng mga aplikante.
Ayon kay Rama ang City ay handang magbigay ng P10,000 monthly incentives sa mga medical personnel galing sa ibang local government units na nag volunteer para magtrabaho sa mga private hospitals sa Cebu City sa loob ng tatlong buwan.
Pinapatawag rin ni Rama ang Philippine Health Insurance Corp. na bayaran ang outstanding bills nila sa mga private hospitals, para magamit ang nasabing pera upang makakuha ang mga ospital ng mga doctor at mga nurse.
“I am appealing to the national government because the problem of medical services is because the hospitals have not been paid by PhilHealth. Philhealth, bayad mo,” sabi ni Rama.
Source: SunStar