Connect with us

Regional News

COVID-19, umabot na ng Bacolod City

Published

on

Naitala sa Bacolod City ang kauna unahang kaso na nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID -19 sa buong Western Visayas.

Mismong si Bacolod City Mayor Evelio Leonarda ang nagkumpirma ng nasabing impormasyon.

Ayon sa alkalde, dumating sa Bacolod noong Feb. 29, 2020 ang isang 56 anyos na lalaki na may travel history sa London at ngayon ay naka confined sa isang ospital sa Bacolod ngunit stable naman umano ito at nasa recovering period na.

Nagbigay-utos na rin umano siya sa City Health Office na magsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.

Isinailalim na rin ng alkalde ang buong syudad sa general community quarantine noong Marso 15.

Maliban dito nananatiling CoViD-19 free ang ibang bahagi ng rehiyon maliban sa mga PUM’s at PUI’s sa iba’t-ibang probinsya na mahigpit na minomonitor ng mga medical personnel.

Sa ngayon may 231 cases na sa buong bansa, 18 naman ang nasawi may kaugnayan sa Covid-19 at may 8 gumaling na.