Regional News
CUSTOMER NA NAGREKLAMO DAHIL NAPANGITAN SA GUPIT, SINAKSAK NG BARBERO
NASAKSAK ang isang customer matapos umano itong magreklamo sa kanyang barbero dahil hindi sinunod ang gustong niyang gupit.
Nangyari ang insidente sa isang barbershop sa Quezon.
Ayon sa ulat, napangitan ang customer sa gupit ng kanyang barbero kaya’t nagreklamo ito na nauwi naman sa pagtatalo.
Tugon ng 23 anyos na barbero, maganda naman daw ang kanyang pagkagawa kaya’t ayaw niyang ayusin ang gupit ng customer.
Sa gitna ng pagtatalo ng dalawa, biglang kinuha ng barbero ang gunting at sinugod ng saksak ang customer.
Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa kamay matapos masalag ang suspek.
Inaresto na ng pulisya ang suspek at mahaharap sa kasong attempted homicide.
(With reports from ABS-CBN)
Continue Reading