Connect with us

Regional News

Cybersex den sinalakay sa Iloilo,17 Chinese nationals naaresto

Published

on

PHOTO: Radyo Todo Iloilo
Nahuli ng mga kapulisan ang 17 Chinese nationals nang salakayin ng mga ito ang isang cybersex den sa Brgy. Balantang, Jaro, Iloilo City nitong Nobyembre 4, 2023.
Pinasok ng pinagsanib na puwersa ng PNP ang inuupang bahay ng mga suspek matapos mapag-alamang lumalabag ang mga ito sa Section 4 (C) (1) ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Batay kay PLtCol. Antonio Benitez Jr, hepe ng City Intelligence Unit ng ICPO, ang mga naaresto ay pawang mga lalaking Chinese nationals at anim na buwan na silang naninirahan sa inuupahang bahay.
Nadiskubre at narekober ang mga sumusunod na mga gamit para sa iligal na aktibidad sa nasabing operasyon: 24 computer units; dalawang switch hubs TP link na may 24 ports; dalawang (2) routers (Huawei black/reyee); apat (4) na computer units na walang keyboard at mouse; isang (1) Acer projector; isang (1) monitor; dalawang (2) System units; isang (1) DVR HIK Vision; isang (1) TP Link router; Converge modem; isang (1) computer system; 49 iba’t-ibang klase ng mobile phone; isang (1) bundle ng SIM cards; at (4) apat na kahon ng SIM cards.
Dinala ang mga suspek sa Jaro Police Station para sa kaukulang pagsasampa ng mga kakaharaping kaso.
Kaugnay nito, pinuri ni PRO6 Regional Director PBGen Sidney N Villaflor ang lahat ng operating units dahil sa malaking tagumpay kontra kriminalidad.
“Isang napakalaking accomplishment po ito para sa ating lahat. Sa pagkabuwag ng cybersex den na ito ay marami po tayong naisalbang kabataan at kababaihan na siyang pangunahing biktima ng mga ganitong klaseng krimen. Ipagpatuloy lang po natin ang pagtutulungan para sa mas ligtas na Western Visayas,” ani PBGen Villaflor.
Continue Reading