Connect with us

Capiz News

Dahil sa bakang nakawala sa tali, motorsiklo sumemplang; Driver at angkas, sugatan

Published

on

Sugatan ang driver at angkas ng motorsiklo matapos itong sumemplang nang makawala sa tali ang isang baka at naging agresibo sa kalsadang sakop ng Brgy. Bilao, Sapian, Capiz.

Napag-alaman na 50-anyos ang driver ng motorsiklo habang 47-anyos naman ang angkas.

Batay sa imbestigasyon ng Sapian Municipal Police Station, hindi umano namalayan ng may-ari ng baka na nakawala na pala ito sa tali at napadpad na sa kalsada.

Sinasabing, naging agresibo umano ito sa lugar kaya’t nasuwag nito ang dumaang motorsiklo sakay ang naturang mga biktima.

Tumilapon sa kalsada ang angkas kaya’t nagtamo ito ng  sugat sa ulo habang gasgas naman sa katawan ang natamo ng driver bunsod ng pagkatumba.

Kaugnay nito, agad dinala sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang mga biktima para sa kaukulang pagpapagamot.