Connect with us

Antique News

Dambuhalang isda nasama sa ‘lambaklad’ sa Tibiao, Antique

Published

on

Photo| Flord Nicson Calawag

Isang 200-kg sunfish o mas kilalang mola o Mola Mola ang napasama sa ‘lambaklad’ fishing ng mga lokal sa Malabor, Tibiao, Antique.

Ayon sa Facebook post ni Flord Nicson Calawag noong araw ding iyon, Pebrero 18, ay agad pinakawalan ng mga mangingisda ang mola.

Nagpapasalamat naman ang ilang residente na ligtas itong binalik sa dagat.

Hati naman ang reaksiyon ng mga residente.

May mga nagsasabing maaaring may senyales ito ng hindi magandang mangyayari habang ang iba ay nagsasabing biyaya ang dala nito.

Nabatid na ang mola ay isa sa pinakamabigat at pinaka-matinik na isda sa buong mundo.

Ang itsura nito ay isang ulo ng isda na may buntot na ang katawan ay lipid. Ang isang Ocean Sunfish ay nangingitlog ng marami kumpara sa ibang mga vertebrate.

Katunayan, kaya nitong mangitlog ng 300 milyong itlog sa isang beses.

Ang mga itlog nito ay napakaliit at napakaunti lamang ang tsansa na mabuhay.

Ang mga matatandang mola ay bumibigat ng 247 at 1,000 kg.

Makikita ang mga ito sa tropical at temperate waters sa buong mundo.