Regional News
DepEd 6, pinaliwanag kung bakit kasama ang answer key sa modules ng mga estudyante
Para sa self assessment ng estudyante ang pagsama ng answer key sa modules sa pagbukas ng School Year 2020-2021.
Ito ang paliwanag ni Department of Education 6 spokesperson Dr. Lea Belleza.
Ayon pa sa kanya, bawal kopyahin ang answer key.
Aniya, mahirap ang feedback sa modular learning kaya sinama ang answer key.
Paalala ni Belleza sa mga estudyante, “learn the process, dapat there should be fulfillment, contentment, self satisfaction sa imo kaugalingon.”
“Pagkalab-ut mo sa punta kag mahambal mo, ang answer ko diri sala gali, dapat amo gid na ang answer” so you’ve been learning something. Not nga kopyahon mo lang imo ya ang sabat sa answer key. What will it benefit you as a learner, as a parent,” dagdag pa ni Belleza.
Wala namang natanggap na problema ang DepEd 6 sa pagbukas ng klase kahapon sa gitna ng pandemya.
Pero inamin naman ng spokerperson na may na-monitor sila na mga paaralan na hindi pa nakabigay ng modules.
Sa online learning naman, mahirap ang stable ng internet connection, ayon kay Belleza.