Regional News
DepEd 6 sa mga magulang: huwag idaan sa social media kung may reklamo, sa halip ipaalam ito sa guro o principal
HUMINGI ng pang-unawa ang DEPED-6 kaugnay sa bagong set-up ng pag-aaral sa ilalim ng new normal.
Mababatid na maraming magulang ang nagrereklamo kaugnay sa bagong set-up ng pag-aaral ng kanilang mga anak dahil sa pandemya.
“We are asking for the parents’s understanding. We are all new in this set- up.Let us be partners in facilitating learning to our children,” pahayag ni Regional Information Officer, Lea C. Belleza.
Dagdag pa niya, kung may mga tanong o reklamo, maaaring kausapin ng mga magulang ang mga guro maging ang principal.
“If there are queries, please feel free to give the teachers or even the principal a call or text to raise your concerns.“
“SOCIAL MEDIA cannot address your queries. Let us be appreciative of the efforts of the Department,” ani Belleza.