Regional News
DEPED VI sa kontrobersiya laban kay RD Uytico: “Let’s put an end to these issues”
Nag-apela ang Department of Education (DepEd VI) sa publiko na tigilan na ang pagkonek kay DepEd VI Regional Director Ramir Uytico sa mga nagpopositibong empleyado ng DepEd sa Aklan.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Lea Belleza, DepEd VI spokesperson, sinabi niya na simula July 13, hindi na nagkita sina Uytico at ang empleyadong nagpositibo sa COVID-19.
Nagnegatibo rin aniya sa swab test ang mga natukoy na first generation contacts ng empleyadong nagpositibo kaya pinayagan si Uytico na tumuloy sa Boracay noong July 23 para ilunsad ang School Heads Academy (SHA).
Paliwanag ni Belleza, hindi na nagpa-swab si Uytico pero nag-isolate naman ito sa hotel na kanilang tinuluyan sa Boracay.
Limitado lang rin aniya ang mga nakasalamuha nito lalo na at virtual lang ang isinagawang programa para sa launching ng SHA.
Kaya hindi raw lahat ng nagpositibo sa Aklan ay nakasalamuha ni Uytico, ” Not all nga nagpositive sa Aklan, upod ni regional director.”
“Let’s put an end to these issues. Appeal ko sa publiko, indi gid pag-ipatong, unless these facts are verified nga i-connect nyo sa aton nga regional director kung sino man ang nag positive sa Aklan,” saad pa ni Belleza.
Sa inilabas na opisyal na pahayag ni Uytico, nanindigan ito na wala siyang nilabag na anumang health protocol sa Aklan man o sa Iloilo City.