Connect with us

Regional News

Disenyo ng Panay-Guimaras Bridge, natapos na; konstruksyon, mag-uumpisa sa June 2025 – DPWH-6

Published

on

Photo: NEDA Regional Office 6

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 6 na tapos na ang detailed engineering design (DED) ng Panay-Guimaras Bridge na bahagi ng Panay-Guimaras-Negros Island Bridges project.

Ayon sa DPWH-6, isinumite na ng Yooshin Engineering Corporation sa Unified Project Management Office (UPMO) ang DED para sa Panay-Guimaras segment o ang Section A para sa review at evaluation.

May habang 13.004 kilometro ang naturang tulay kung saan magmumula ito sa Leganes, Iloilo sa Panay Island papuntang Buenavista, Guimaras.

Sa pahayag ni DPWH-6 Director Engr. Sanny Boy Oropel, naghihintay sila ng rekomendasyon mula sa UPMO. Kapag naaprubahan, ipapasa ito sa National Economic and Development Authority para sa final clearance.

Pagkatapos ng approval ng NEDA, mag-uumpisa ang procurement process para sa civil works sa first quarter ng 2025.

Inaasahan namang magsisimula ang konstruksyon ng tulay sa June 2025 at matatapos ito bago ang June 2028, kung saan ito ang magiging huling taon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bonbong” Marcos Jr.

Aabot sa P170 bilyon ang buong Panay-Guimaras-Negros Island Bridges project kung sa layon nitong maisaayos ang inter-island connectivity at mapalakas pa ang ekonomiya ng rehiyon. Nasa P57 bilyon naman ang pondo para sa Section A.

Kaugnay nito, aabot naman sa 19.47 kilometro ang haba ng Section kung saan magkokonekta ang tulay mula sa San Lorenzo, Guimaras patungong Pulupandan, Negro Occidental.

Inaasahang mag-uumpis ang konstruksyon nito bago matapos ang 2028. via John Ronald Guarin