Regional News
DOH 6: APAT NA LUGAR SA WESTERN VISAYAS, NASA ALERT LEVEL 4 NA DAHIL SA COVID-19
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/09/FA8AC3BA-709B-445F-95A4-D5A133A209B5.jpeg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2021/09/FA8AC3BA-709B-445F-95A4-D5A133A209B5.jpeg)
Nasa ilalim na ng Alert Level 4 ang apat na lugar sa Western Visayas batay sa pinakahuling report ng Department of Health 6 (DOH).
Base sa ahensya, nasa alert level 4 na ang probinsya ng Guimaras, Iloilo, Iloilo City at Bacolod City.
Nakasaad sa latest situational report ng DOH 6 na high risk ang healthcare utilization rate at average daily attack rate ng apat (4) na lugar rason kung bakit inilagay ito sa Alert Level 4.
Isinailalim sa Alert Level 4 ang isang lugar kung patuloy ang pagsipa ng COVID-19 cases at kapag mahigit sa 70% ang intensive care unit (ICU) utilization at nasa moderate to critical COVID-19 bed utilization.
Kaugnay nito, kailangang mag-allocate ng 50% na hospital beds para sa mga COVID-19 patients sa mga public hospitals at 30% naman sa mga private hospital.
Maaari namang magpapatupad ng granular o localized lockdowns sa mga nabanggit na lugar.
Magiging mas aktibo na rin ang case findings sa mga tinamaan ng COVID-19 Delta variant.
Habang dadagdagan naman ang bed capacity at prayoridad nito ang mga Level 2 at Level 3 na mga ospital.