Connect with us

Regional News

DSWD 6: “likawan ang sulit-sulit nga online registration”

Published

on

Pinaalalahanan ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) VI ang mga aplikante para sa educational assistance na iwasan ang paulit-ulit online registration.

Ito kasi ang magiging dahilan ng mabagal na pag-proseso ng educational assistance dahil kailangan pang i-validate ang dagdag na impormasyon.

Ayon pa sa ahensiya, maaring gumagit ng iisang cellphone number upang matulungan ang iba pa na hindi marunong magparehistro online.

Paalala pa ng DSWD na kapag nakaparehistro na online ay huwag magtungo sa mga pay out centers bilang walk-in client.

Paglilinaw pa ng ahensiya na ang paglagay ng detalye sa drop box para sa assessment kahit naka-register na online ay makikita pa rin sa kanilang database.

Samantala, sa mga aplikante na naka-register online, hintayin lamang ang email o text nga para sa inyong mga schedules at kung saan ang venue ng pay-out.

Binigyan-diin naman ng DSWD 6 na prayoridad ng naturang cash aid ang mga students-in crisis at naka-depende lamang sa pondo ang pamamahagi ng nasabing ayuda.