Regional News
DSWD FO VI binalaan ang publiko vs private groups, pages
PINAALALAHANAN ng DSWD Field Office VI ang publiko partikular ang 4Ps Division na mag-ingat sa pagsali sa mga private groups, Facebook Pages at pag-share ng mga fake news.
Ayon sa ahensiya, iwasang sumubaybay sa mga FB Pages na hindi konektado sa DSWD at sa mga programa nito.
Ang authorized na private group sa Region VI ay ang – Region VI FDS/YDS habang ang 4Ps national official page naman ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Binigyan-diin ng DSWD FO 6, na mag-ingat lalo na ang mga 4Ps beneficiaries sa rehiyon sa mga maling impormasyon nakikita o nababasa sa social media.
Kung may mga tanong umano, mas makabubuti kung direktang makipag-ugnayan sa mga City/Municipal Link para sa mga detalye lalo na kung ito ay tungkol sa CASH GRANTS.