Regional News
DTI palalakasin pa ang PFN industry sa Western Visayas
PALALAKASIN pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Processed Fruits and Nuts (PFN) industry sa Western Visayas.
Dahil dito, nakatakdang i-update ng ahensiya PFN Industry Cluster Roadmap para sa 2024-2026.
Ang localization ng PFN Industry Cluster Roadmap para sa rehiyon ay sa pamamagitan ng blended format, kasama ang mga face-to-face sessions at virtual participation via Zoom.
Ayon kay PFN Regional Industry Cluster Coordinator at DTI Iloilo Provincial Director Ma. Dinda Tamayo, ang bagong roadmap ang magiging gabay sa mga aktibidad, budget at stratehiya sa pagpapalakas ng industriya sa susunod na tatlong taon.
Aniya pa, pagtutunan din ng pansin ang bawat probinsiya sa pagtukoy at pagbuo ng kanilang mga pangunahing produkto, na ginagamit ang mga natatanging lakas ng rehiyon.
Target ng DTI Region VI na maging globally competitive, quality-driven, at reliable supplier ng processed fruits and nuts.