Connect with us

Negros News

Dump truck na may kargang aspalto, umapoy

Published

on

Nasunog ang isang dump truck sa bahagi ng sa Circumferential Road, Barangay Taculing, Bacolod City nitong umaga ng Biyernes.

Napag-alaman na papunta sanang Sagay, Negros Occidental ang naturang dump truck para dalhin ang kargang aspalto.

Sinasabing, bigla nalang umapoy sa likurang bahagi ng driving seat na agad namang binuhusan ng tubig ng isang helper ngunit mas lalo pa umanong lumaki ang apoy.

Nasunog ang malaking bahagi ng naturang truck na sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad para makumpirma ang pinagmulan ng apoy.

Samantala, maswerte at wala naming nasugatan sa nangyaring sunog.