Connect with us

Iloilo News

Enhanced Community Quarantine sa Iloilo City, extended na hanggang Abril 30

Published

on

Nagdesisyon na si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa syudad hanggang sa Abril 30 matapos ang pakikipagkonsulta sa mga awtoridad.

Nakipag-usap ito sa mga personnel ng Department of Health (DOH), Medical Doctors, City Health Office, mga negosyante at nakipag-coordinate rin kay Gov. Art Defensor bago bumuo ng desisyon.

Apat mula sa kabuuang 36 na total case ng COVID-19 sa Western Visayas ang mula sa Iloilo City ayon pa kay Treñas.

Muli rin niyang hinikayat ang mga residente na makipagtulungan sa mga awtoridad ngayong panahon ng krisis.

Una nang inaprubahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang extension ng ECQ sa Luzon hanggang sa katapusan ng Abril.