Connect with us

Regional News

EXPIRED NA QUARRY PERMIT, HINDI NA PWEDENG MAGPATULOY NG QUARRY OPERATION – EMB DENR 6

Published

on

 “Kun expired na ang iya quarry permit, awtomatik na ya ang province, i-cancel na na awtomatiko ang permit”.

Ito ang pahayag ni Environmental Management Bureau (EMB) DENR 6 Chief Vicente Los Bañes sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo sa kanya kanina.

Ayon kay Los Bañes, hindi na pwedeng magpatuloy ng quarry operation ang isang contractor kapag expired na ang kanyang quarrying permit.

May kaugnayan ito sa quarry operation ng 79 Cornerstone Construction Development Corp. sa may ilog ng Brgy. Cupang, Banga at kalapit na mga baranggay gamit lamang ang special permit.

 

Ayon kay Los Bañes, kailangan na irenew ng isang quarry operator ang kanyang quarry permit kapag umabot o naubos na nito ang maximum 10,000 cubic meter per year na materyales (sand and gravel) na nakalagay sa kanyang permit.

 

Ang Mines and Geosciences Bureau (MGB-DENR) naman diumano ang mag-a-assess sa renewal ng permit dahil titingnan nito kung may sapat pang volume ng materyales na pwedeng makuha sa inaaplayang lugar na i-quarry.

 

Dapat umanong dumaan sa tamang proseso ang isang quarry operator lalo at kung ginagamit itong pang komersyal.

 

Kailangan anya na makakuha muna ito ng endorsement mula sa partikular na baranggay kung saan isasagawa ang quarry operation, may clearance mula sa MGB na magdidetermina ng volume ng materyales na kukunin, endorsement mula sa Local Government Unit (LGU), Environmental Compliance Certificate (ECC) at permit to operate mula sa gobernador.

 

Napag-alaman ng Radyo Todo na expired na ang permit ng nasabing quarry operator na nag-o-operate ngayon sa bayan ng Banga kung saan special permit lamang at delivery receipt na inisyu ng probinsya ang gamit nito na hindi pinahihintulutan ng batas lalo at ginagamit itong pangkomersyal.

Continue Reading