Connect with us

Iloilo News

Foreman ng pinapatayong multi-purpose building sa Iloilo, natagpuang patay sa barracks

Published

on

Wala nang buhay nang matagpuang ang isang foreman sa loob ng barracks ng pinapagawang multi-porpuse building sa Brgy. Benedicto, Jaro,  Iloilo City nitong umaga ng Lunes.

Kinilala ang biktima na si Froilan Bernas, 63-anyos na residente ng Brgy. Sooc, Arevalo, Iloilo City.

Sinasabing, nadatnan nalang ng ilang mga trabahador na may tama na ng saksak sa bahagi ng dibdib at braso ang naturang foreman na wala ng buhay habang nakahiga sa kaniyang folding bed.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na posibleng nasaksak ang biktima ng hindi pa nakikilalang suspek dahil sa motibong pagnanakaw.

Napag-alaman na wala na ang cellphone ng biktima at ubos na rin ang pera sa kaniyang pitaka.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring insidente.