Negros News
Halos 80 na mga bahay sa Bacolod, nasunog
Naabo ng apoy ang tinatayang nasa 80 na mga kabahayan sa Purok Kagaykay, Barangay 2, Bacolod City dakong alas-3:00 kaninang madaling araw.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, nagsimula umano ang apoy sa isang bahay na walang kuryente kaya’t isa sa tinitignang dahilan ngayon ay ang naiwang nakasindi na kandila.
Sinasabing, magkadikit-dikit umano ang mga bahay sa lugar kayat mabilis kumalat ang apoy at madami ang naapektuhan.
Pinilit pang isalba ng mga residente ang ilan sa kanilang mga gamit ngunit ang iba ay tanging sarili nalang ang natira.
Nadeklarang fire-out sa lugar dakong alas-5:00 rin kaninang umaga.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring sunog.