Connect with us

Iloilo News

HVI, huli sa drug buy bust OPS; P1.7M ng shabu at 1 baril, nasabat

Published

on

Iloilo Police Provincial Office

Umabot ng P1.7M ang halaga ng nasabat na shabu mula sa isang High Value Individual sa ikinasang drug buy bust operation sa Brgy Carvasana, Calinog, Iloilo.

Kinilala ang suspek na si alyas “Joms”, 45-anyos na residente ng Brgy. Tabucan, Calinog, Iloilo.

Narekober sa posisyon ni Joms ang halos 250 grams ng mga shabu na may halagang aabot sa P1.7M.

Bukod sa mga ilegal na droga nakuha rin sa suspek ang isang caliber 45 na baril.

Napag-alamang higit 1 buwan rin itong under monitoring ng mga otoridad bago tuluyang nahuli.

Sa ngayon, hawak na ito ng mga otoridad at mahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at  RA 10591 o Comprehensive Law in Firearms and Ammunitions.