Connect with us

Regional News

ILANG PERSONNEL AT PASYENTE NG WVMC, NAGPOSITIBO SA COVID 19

Published

on

WVMC public advisory

Iloilo City – Humingi ng paumanhin at konsiderasyon ang Western Visayas Medical Center sa publiko dahil naapektuhan ang kanilang serbisyo sa ospital matapos magpositibo sa COVID 19 ang ilan sa kanilang pasyente at hospital personnel.

Sa inilabas na pahayag ng WVMC management, ipinaalam nila na patuloy ang mahigpit nilang implementasyon ng Infection Prevention and Control measures.

Dinis-infect ang mga apektadong wards at diagnostic units at kinuhaan ng swab sample ang mga personnel at pasyente na may direct contact sa mga nag positibo.

Ang mga apektadong pasilidad ng ospital ay ang Radiology Complex, non COVID Emergency Room at ang mga wards na ni-lockdown.

Muling bubuksan ang nasabing mga pasilidad kung handa na uli itong magsilbi sa publiko.

As of July 18 na data ng DOH6, 3 personnel ng WVMC ang nagpositibo sa COVID 19 at 5 pasyente naman nito ang nagpositibo rin sa nasabing sakit habang naka confined sa WVMC.