Connect with us

Regional News

Iloilo City, naghahanda sa pagdating ni Tisoy

Published

on

Larawan mula sa www.severe-weather.eu

Patuloy ang paghahanda ng lungsod ng Iloilo sa pagdating ni Typhoon Kamuri na may local name na “Tisoy.”

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council  (NDRRMC), maaari pang lumakas at maging super thyphoon si Tisoy dahil lalo itong pinalalakas ng hanging amihan.

Nagpalabas na ng executive order si Mayor Jerry P. Treñas na “raising the alert level to ‘Blue Alert Status’ and activation of the Iloilo City Emergency Operations starting [today], Nov. 29.”

Alinsunod umano sa EO 148 Section 16 kaugnay ng Section 445 (a) at (b) 1( vii) ng Local Government Code of 1991, “the City Mayor as Chief Executive is empowered to emergency measures before, during and in the aftermath of man-made and natural disasters and calamities so as to ensure the safety and welfare of the people.”

Patuloy rin umano ang pagbabantay at pag-update ng City (DRRM) Office  sa pamamagitan ng DOST-PAGASA at ng iba pang warning agencies ukol sa lagay ng panahon. Naka stand-by din umano ang mga miyembro ng Response Cluster  para sa anumang emergency.

Inaasahang papasok ang bagyong Tisoy sa Philippine Area of Responsibility  PAR) bukas, Nobyembre 30 o sa makalawa, Disyembre 1.

Ayon sa PAGASA, si Kammuri ay may maximum winds of 140 kilometers per hour (km/h) at gustiness of up to 170 km/h.