Connect with us

Regional News

Iloilo City, nagtala ng bagong kaso ng suspected COVID-19

Published

on

Tinututukan ngayon ng Department of Health – Region 6 ang kundisyon ng isang patient under inverstigation (PUI) sa Iloilo City.

Kinumpirma ni Dr. Jane Juanico, department head ng Infectious Disease Section ng Western Visayas, na may isang  30-taong Pilipina ang kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sa syudad.

Ang babae, na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19, ay mayroon umanong travel history sa Indonesia.

“The patient is experiencing cough and fever,” ani Juanico.

Sa kasalukuyan, and Indonesia ay may 34 kumpirmadong kaso ng kinatatakutang sakit na matatandaang nagmula sa isang wild animal market sa Wuhan, China.

Ayon pa kay Juanico, dumating ang Pilipina sa Iloilo City noong March 5.

Ipinadala na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Manila ang sample mula sa PUI upang masuri.

Sa pinakahuling tala noong Marso 12, nagtala ang DOH-6 ng 43 PUIs.

Ayon pa kay Juanico, 42 ng mga PUIs sa rehiyon ang nagnegatibo sa COVID-19.

Via / Iloilo Metropolitan Times

Continue Reading