Connect with us

Regional News

KAPAMILYANG ANGKAS SA PRIBADONG MOTOR, PINAYAGAN NG LTO-CENTRAL VISAYAS

Published

on

Photo courtesy| http://metronewscentral.net

Pinayagan nang mag-angkas ng kapamilya ang mga pribadong motorsiklo sa Central Visayas ayon sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (Opav).

Sa isang pahayag, sinabi ni Opav Secretary Michael Lloyd Dino directed the Land Transportation Office (LTO)-Central Visayas, na matapos ang pulong kasama si LTO 7 Director Victor Caindec, ay pinayagan na ang mga pribadong motor na magpa-angkas ng kanilang kapamilya.

Kabilang sa mga tinutukoy na miyembro ng pamilya ang misis, mister, mga anak, o mga nakatira sa iisang bubong.

Kailangan lang na magpakita ang backrider ng ID na magpapatunay ng kanilang koneksyon sa driver.

Gayunpaman, ang naturang direktiba ay maaaring baguhin at mawalan ng bisa sa oras na ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Central Visayas.

Kaugnay nito, nanawagan si Soriano sa publiko na sumunod sa mga alintuntunin lalo na sa checkpoint para hindi na magdulot ng trapiko.

Source: https://www.philstar.com/the-freeman/cebu-news/2020/03/19/2002051/motorcycle-backriding-ok-family-members