Connect with us

Regional News

Kauna-unahang COVID-19 patient sa Panay Island, nakarekober na

Published

on

ILOILO – Milagro ang paggaling at pinaniniwalaan ng unang pasyente ng COVID 19 sa Isla ng Panay matapos siyang maka rekober.

Ayon kay Tony Gelvero, 65 anyos, 15% na Lang umano ang survival rate niya subalit binigyan umano siya ng Diyos ng pagkakataon na mabuhay. Dinanas din umano niya ang pasakit mula ng mag positive siya sa COVID 19 at ma admit sa The Medical City hospital.

Napag alaman na na-ospital si Gelvero noong March 16 at nakalabas lamang kahapon.

Dahil dito pinasalamatan ni Gelvero ang lahat ng mga nananalangin para sa kanyang pag galing lalo na ang kanyang pamilya, kaibigan at kasamahan sa simbahan.

Ganon din ang mga doktor at nars ng nasabing hospital na nagbigay ng lahat ng kanilang makakaya para mapagaling siya sa Kabila ng malaking pagsubok sa mga ito para ma-manage siya lalo at siya ang kauna unahang pasyente na nagposotibo sa COVID 19 sa Panay Island.