Connect with us

Regional News

Komunidad, naghahanda sa potensyal na sakuna dulot ng pagsabog ng Mayon; pamahalaan at mga opisyal sa kalusugan, nanawagan ng pagiging handa

Published

on

Komunidad, naghahanda sa potensyal na sakuna dulot ng pagsabog ng Mayon; pamahalaan at mga opisyal sa kalusugan, nanawagan ng pagiging handa
Photo on left by: Jericho Salas and on right by: Johnlee de Jesus

Sa harap ng tumataas na aktibidad ng bulkang Mayon, ang mga komunidad na nakapaligid dito ay nasa heightened alert. Kasabay ng Alert Level 3 na itinaas ng Philippine Institute of Volcano and Seismology (PHILVOCS), ang mga komunidad ay posibleng ma-displace dahil sa mga localized magmatic eruption na nagpapakita ng patuloy na paglala nito.

Si Paul Alanis isang resident volcanologist ng PHILVOCS na nasa Lignon Hill Observatory sa Legazpi City ay masusing nagtatala ng bawat lindol, rockfall event, at seismic activity. Dahil sa mas mataas na panganib ng mga pyroclastic density current (PDC), pagdaloy ng lava, at pagbagsak ng mga bato. Agarang ini-rekominda ng PHILVOCS ang panawagan para sa paglikas sa loob ng anim na kilometrong radius na danger zone ng bulkan.

Bulkang Mayon

Photo by: Jericho Salas

 

Tiniyak ng mga opisyal ng gobyerno kasama ng Pangulo ang kahandaan at agarang pagtulong sa mga madi-displaced na komunidad at mga pangangailangan nito. Ito’y pagpapahiwatig sa mahalagang papel ng preventive measures.

Samantala, ang bulkang Taal naman na naglalabas ng sulfur dioxide (SO2) ay nasa background levels lamang, ngunit ang patuloy na degassing activity, bagamat hindi gaanong delikado, ay masusing mino-monitor. Pinapanatili ng PHILVOCS ang Alert Level 1 para sa Taal, habang muling binibigyang-diin ang mga babala laban sa pagpasok sa danger zones.

Habang mataas ang banta ng Mayon volcano, hindi binabalewala ang sitwasyon sa Taal. “Mananatili sa Taal ang Alert Level 1… ginagawa namin ang paghahanda at paglilipat sa mga tao palayo sa lugar, just in case,” ayon sa Pangulo.

Bilang tugon sa patuloy na sitwasyon, naglabas ng mga babala ang mga awtoridad sa kalusugan para sa mga residente na nakatira malapit sa Mayon.

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa potensyal na panganib sa kalusugan, at hinikayat ang mga lokal na manatiling alerto sa panganib ng exposure sa sulfur dioxide at abo ng bulkan. Nagbigay rin sila ng mga practical tips para maibsan ang exposure.

Sa karagdagang layer ng paghahanda, ang Office of Civil Defense (OCD) ay nanawagan ng malapitang pakikipag-ugnayan sa PHILVOCS, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at DOH. Ang OCD ay nag-utos ng mahigpit na pagsubaybay at koordinasyon sa mga local disaster response units and support agencies, upang mapaghandaan ang potensyal na paglikas kung lumala ang sitwasyon.