Connect with us

Regional News

Leisure Travel sa pagitan ng Bacolod City at Panay Island ipinagbabawal

Published

on

panay to bacolod

Pinagbawal ni Bacolod City Mayor Evelio Leonardia nitong Linggo, Hulyo 18, ang lahat ng leisure travel sa pagitan ng Bacolod City at Panay Island bilang panukala laban sa COVID-19 Delta variant.

Ayon sa Executive Order 39-A, Series of 2021, sinabi ni Leonardia na kailangan ulit ng mga fully vaccinated Bacolod residents mag-present ng negative swab test result na nakuha sa loob ng 72 hours bago at pagdating sa Bacolod.

Dagdag ni Leonardia na binalaan siya ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) tungkol sa dalawang COVID-19 Delta variant cases sa Panay.

Inihayag ni Dr. Adriano Suba-an, regional director ng DOH na may na-detect silang dalawang lokal Delta (B.1.617.2) variant cases sa Western Visayas.

Isang elderly couple mula sa Antique ang na-hospitalize noong Mayo 27, naka-recover ang asawang lalaki na asymptomatic, ngunit ang kanyang asawa ay namatay noong Mayo 31.

Isinasagawa na agad ang contact tracing upang maiwasan ang pagkalat ng mas nakakahawang variant, batay kay Dr. Glenn Alonsabe, DOH regional epidemiologist.

Ang Bacolod City ay nasa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions habang ang Iloilo province at Iloilo City naman ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Lahat ng leisure travel mula sa Panay Island hanggang sa Bacolod City ay ipinag-babawal, subalit lahat ng movement ng all types ng goods at cargoes ng delivery vehicles, na mayroong maximum ng limang tao sakay, ay puwede pa rin.

Mga Authorized Persons Outside their Residences o APORs ang pinapayagan lang mag-travel mula sa Panay Island patungo o palabas ng Bacolod City.

Samantala ang mga tao naman mula sa GCQ at modified GCQ areas sa Panay Island ay maaring payagan makapasok ng Bacolod City basta mayroon silang:

– negative (RT-PCR) test results obtained within 72 hours (prior to and upon arrival in Bacolod City)
– online BaCTrac registration
– online health declaration
– S-PaSS; travel coordination permit
– at valid ID.

Source: Inquirer.Net

Continue Reading