Regional News
LOCAL TRANSMISSION NG COVID-19 SA ILOILO CITY, KINUMPIRMA NG DOH 6
Iloilo City-Kinumpirma ng Department of Health 6 na may local transmission na ng corona virus disease o COVID-19 sa Iloilo City.
Ayon kay Dr. May Ann Sta. Lucia, head ng Health Promotions Cluster sa DOH6, pasok sa depenisyon ng local transmission ng World Health Transmission ang sitwasyon sa Iloilo.
Batay sa WHO, maaaring ma classify sa local transmission ang kaso ng COVID-19 kung sa locality lang ang source ng infection.
Dagdag pa ni Dr. Sta. Lucia, dapat hindi rin bumaba sa dalawa ang recorded COVID-19 patients mula sa iba’t-ibang mga barangay sa bayan o syudad.
Sa bulletin na inilabas ng DOH6 nitong abril 5, apat na ang COVID-19 cases sa Iloilo City at isa na sa kanila ang binawian ng buhay.
Iginiit ni Dr. Sta. Lucia, na kailangan na lang na mas pinalakas na implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa syudad bilang solusyon.
Source: Aksyon Radyo Iloilo