Connect with us

Regional News

LOCKDOWN SA ILOILO CITY, IDINEKLARA NI TREÑAS

Published

on

Larawan mula sa www.iloiloph.com

Inanunsyo ni  Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas na isasailalim sa enhanced community quarantine o lockdown ang buong lungsod hanggang  April 14, 2020.

Sa isang press conference kaninang tanghali, kinumpirma ni Treñas ang pagpapalabas ng kaniyang nilagdaang Executive Order (EO) hinggil sa nasabing enhanced community quarantine  na magsisimula bukas, Marso 20, 2020.

Paliwanag ng alkalde, “We have to call this enhanced community quarantine(lockdown). We have to put in minds of everyone nga indi na sila pwede ka gwa sang basta-basta. “We are doing this to limit mobility. We are trying to limit mobility because we are trying to lessen the number of persons going around the city, whole of Panay and Guimaras,”

Dagdag pa niya, “We are at war with something that we cannot see. These are extraordinary times, we have to meet this war with extraordinary measures.”

Ayon pa sa Iloilo City mayor, pahihintulutan nila na manatiling bukas ang mga groceries, food establishments, mga bangko, botika, gasolinahan, water refilling stations, palengke, convenience stores, media outlets, BPOs, at burial and crematory services.

Kasabay ng lockdown ay ang pagpapatupad ng curfew sa buong siyudad mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Ang hakbang na ito ng Iloilo City government ay habang upang mabawasan ang paglaganap ng COVID-19.